• Home
  • About
  • Church Updates
  • Noteworthy
  • Poetry

ACTS 29

the official sunday publication of Christian Bible Baptist Church

Feeds:
Posts
Comments

Poetry

“Pananampalataya ang Puhunan Ko Bilang Katiwala”

by Beata Agustin

Pananampalataya sa Diyos ang puhunan ko sa aking kaligtasan…
Tanging kay Kristo lamang sa Kanyang biyaya ako’y nananangan.
Ngayo’y tiyak kong ako’y may buhay na walang hanggan
At sa langit na ang tirahan ko magpakailanpaman,
Kaya magsisikap ako bilang katiwala Niyang maaasahan!!!

Pananampalataya sa Diyos ang puhunan ko sa aking paglago…
Tanging sa Kanyang Salita ako’y tuluyang binabago.
Ngayo’y sa kasamaa’t kasalana’y naitutuwid ako
At sa daan ng pagpapalang may kabanalan ako napapadako,
Kaya susunod ako bilang katiwalang Kanyang isinusugo!!!

Pananampalataya sa Diyos ang puhunan ko sa aking karunungan…
Tanging ang katuruan ng Banal na Espiritu ang aking inaasahan.
Ngayo’y Siya ang laging gabay ko sa mga na di ko nauunawaan
At patnubay sa pagpapasyang dapat kong gampanan,
Kaya aabutin ko bilang katiwala Niya ang Kanyang pamantayan!!!

Pananampalataya sa Diyos ang puhunan ko sa aking pagsamba…
Tanging sa habag Niya ako makakalapit na walang pangamba.
Ngayo’y pinupuri Ko Siya tuwina sa pag-ibig Niyang walang sawa
At pinasasalamatan ang pagtingin Niya sa aking may kalinga’t tuwa,
Kaya ilalaan ko aking sarili bilang katiwala Niyang nagpapakumbaba!!!

Pananampalataya sa Diyos ang puhunan ko sa aking katatagan …
Tanging ang Kanyang kapangyarihan ang aking sandigan.
Ngayo’y mga tukso’t patibong ng Diablo’y aking naiilagan
At mga pagsubok ay aking napagtatagumpayan,
Kaya titindig ako bilang katiwala Niya sa Kanyang kalakasan!!!

Pananampalataya sa Diyos ang puhunan ko sa aking paglilingkod…
Tanging sa katapatan Niya ako sumasasandal bilang aking tungkod
Ngayo’y mula sa pansarili’t kamunduhang pagnanais ako’y ibinukod
At nang sa gawaing mag-akay ng kaluluwa’y huwag tumalikod,
Kaya tatalima ako bilang katiwalang sa Kanyang naisi’y yumuyukod!!!

Pananampalataya sa Diyos ang puhunan ko sa aking kaunlaran…
Tanging mga pangako Niya’y lubos kong pinanghahawakan
Ngayo’y ang maluwalhati Siya ang aking isinasakatuparan
At ang maghintay sa Kanyang pagdating ay aking kasiyahan,
Kaya mabubuhay ako para sa Kanya bilang katiwala Niyang may katapatan!!!

Like this:

Like
Be the first to like this page.

  • Volume 19 Issue 1

    January 18, 2009
  • Acts 29 Pages

    • About
    • Church Updates
    • Noteworthy
    • Poetry
  • Quotes: Stewardship

    “Moreover it is required in stewards, that a man be found faithful.”
    I Corinthians 4:2
  • Acts 29 Statistics

    • 6,757 pageviews
  • Download Acts29 Now!

    Acts 29 in PDF Format
  • Help keep this ministry online

Blog at WordPress.com.

Theme: MistyLook by Sadish.


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Powered by WordPress.com